| Hindi na natagpuan nina Janus ang katawan ni Renzo sa paanan ng Bundok Banog.
Bumalik sila sa Angono para harapin ang puwang ng mga wala na, at para hanapin ang sagot sa mga naroong tanong: ano na ang nangyayari kina Manong Joey sa Kalibutan? Wala na bang nakakita kay Boss Serj mula noong Pasko? Bakit parang nanghihina ang mangindusa ni Janus? At higit sa lahat, nasaan ba talaga si Tala? |